Globalnation Tambayan / Globalnation Tambayan Contributions
http://globalnation.inquirer.net/globalnationtambayan/globalnationtambayancontributions/view_article.php?article_id=212972

Soneto kay Pacquiao

By Reuel Molina Aguila
INQUIRER.net

Posted date: June 29, 2009


Ang suntok mo ang humango
sa dagok ng kahirapan sa 'yo
at ng iyong pamilya, at mga kaibigan
at mga kamag-anak, at, kababayan.
Ang suntok mo ang nagtindig
ng dangal ng Filipinong lugami
sa pambubugbog ng mga nagtanghal
sa iyo sa mga bulwagang dumagan
sa iyo, sa iyong pamilya, mga kaibigan
at kababayan. Ang suntok mo ang gumapi

sa gutom at kahihiyan. Idolo,
natuto na rin akong manuntok
sa mga nagbibigay ng pasa at pasakit
sa kapwa minahal nating bayan.

^ Back to top
 ©Copyright 2001-2009 INQUIRER.net, An Inquirer Company